Sunday, April 10, 2011

Para sa Yo

This is not a saccharine laden input but rather the opposite so kung medyo inaakala mo na sweet ang entry na to...nagkakamali ka!!!(kontrabida laugh).

Para to sa mga taong nagmarka ang presence sa buhay mo...ngunit hindi sa magandang paraan..and Im sure in one way or another makakarelate ka dito...

So, ready ka na teh? eto na ang mga hayup...

1. Para sa gradeschool mong friend na mabait lamang habang nakakakuha ng sagot sa test sa iyo at pagkatapos ay parang hindi ka na kilala at worse, hindi nagpapakopya pag alam na nya ang sagot - Sino ngayon ang mas maganda sa atin?...at mas mayaman?...nagpapadiamond peel ka na...sya? hanggang maxi peel no.4 pa rin. hahaha!!!

2. Para sa muse ng class nyo na namimili ng kaibigan at ayaw tumabi sa iyo dahil feeling niya hindi kayo of the same level...- tama nga naman...siya kasi dalawa na anak ngayon at umaasa lang sa asawa, habang ikaw every T TH S may appointment sa personal mong fitness instructor sa slimmers world.

3.Para sa crush mong nag turn down sa yo dahil mas gusto nya ang seatmate mo...- magsama sila ngayon sa probinsya habang nag hohouse warming ka sa bago mong condominium.

4. Sa teacher mong namalo at nagsabing wala kang mararating dahil sa katigasan ng ulo mo...- Hwag ka nang magtanim ng sama ng loob...Ipagpasa Diyos mo na lang tutal andun na sya sa ilalim ng lupa at may acquaintance party sila ng mga uod.Hwag kalimutang duraan ang kanyang puntod.

5.Para sa tsismosa mong kapitbahay na walang ginawa kungdi ang magkalat ng kwentong hindi totoo tungkol sa yo - kaawaan mo na lang sya tutal yun lang ang ginagawa nya habang nagtitinda ng kamote que habang ikaw naman ay nagla lunch sa Le souffle.

6. Para sa matapobre mong ka classmate na nagsabing hindi ka nya pwedeng maging kaibigan dahil dukha ka... - wag ka nang magtanim ng sama ng loob.sampalin mo na lang ng Hermes Kelly Bag mo sa mukha tutal matagal na nyang dinadasal na magkaroon nun eh.

7. AT....para sa ex mong walang kwenta na ipinagpalit ka sa kung sino sino lang dyan...- hwag magtanim ng sama ng loob at bagkus ay maging masaya...biruin mo ...makakapasok ka na sa mga lugar na may karatulang 'NO PETS ALLOWED' Pak!!!

at sa the rest na hindi nabanggit at hindi naman worth it....ito lang ang bibitiwan mong salita... 'o tangina nyo...andito ako ngayon kasama ng mga pangarap ko..asan kayo ngayon???'

No comments: